Small clues. Big stories.
 
By Dada Grifon

Binabalot ko pa,
sandali na lang naman.
Tingin ko, handa na rin ako
ialay ito.

Bumilang ang taon,
at mga pagkakataon.
Pero naluoy narin
at nadala ng pagbabago-
Lahat, pati tayo.

Puro galos ka na ba?
Ilang ulit na ba kitang nasaktan?
Halata na ang panghal at hapo
sa iyong mga mata,
sa iyong mga yakap.
sa iyong mga halik.

At naiintindihan ko
ang tabang ng asal mo-
Nasasaktan rin ako.

May mga sugat na hindi kayang
maghilom.
O hindi pa kaya.

May mga pagkapagod na hindi kayang
pawiin ng kalinga.
O hindi pa kaya.

O baka kailangan na ng pahinga.

Tapos na.

Pumikit ka habang binibigay ko ito,
habang tinatanggap mo
Ang laya mo.




Leave a Reply.