Small clues. Big stories.
 
By Meilkuiazjuh Vargas

Ang maliliit na sikreto kong
patuloy na itinitiklop,
Nakatupi nang sagrado, bago ko itago
sa karitong baul--
Nagsisiksikang mga lihim,
ng nakaraang pagnanais
at pagsinta, namamayapang
mahimbing

Ang mga halik na itinatago ko
sa buwan na nakahusga,
ang bawat haplos sa hita
bawat sagi ng aming mga paa

Itong mga tala sinusubaybayan akong
mag-ani ng lakas ng loob,
Hangga't pahapayhapay kong
inipon ang serbesa at kasinungalingan
Hangga't kaya ko ng magpakita ng katapatan,
kahit kapiraso lamang.

Kaya't sinta, sa ilalim ng bumibigay na kahon,
may madungis na sobre, dito aking mahal
nakaipit sa sulat ang mukha niya
mga retratong namantsahan ng pita

Nakayakap sa bisig ng liham
na kahapon lamang iniakda.
Ang yapos na nagbibigkis
sa aming hitad, naghahanda nang pumiglas. 
Mula rito, ibinalot ang naibungkal
at inalayan nang pamamaalam
— ang tikim ng alak, nalasahan parin sa hininga

At nang lumipas ang gabi
Ipinadala sakasalukuyang sinta.
Ipinamalas sa'yo.
10/10/2013 01:48:24 am

OH MY GOSH. ANG GALING. FEELS OH.

Reply



Leave a Reply.